10.26.2012

BB Alive Tour 2012 in Manila - my POV

Note: Kailangan kong magTagalog dahil napagtanto ko na hindi pa ganoon kalalim ang aking pananagalog lalo na kung impromptu. Kaya para ako ay masanay at di na mapahiya kung saka-sakaling may pangalawang concert pah, eto  nah, pag-iigihan ko na ang pagsasalita/pagsusulat gamit ang ating Pambasang Wika.

At talagang kailangan ko pa ng isang araw at kalahati para bumalik ako sa aking ulirat upang makapagsulat ng aking karanasan noong ika-24 ng Oktubre taong 2012. Ganoon kabongga ang nangyari sa gabing yaon na para bang nanalo ako ng titulo ng Ms. Universe at pinipiktyuran na ako at lahat, binigay na saken ang korona at sash, pero di ko pa rin matanggap na oo, eto nah, nangyayari nah!!!!!

BAGO MAG-24
Infairness naman saken, di ko naman naranasan ung di makatulog dahil sa excitement ilang araw pa lang before the concert. Noong gabi ng 23 ko lang naranasan yun at sa tingin ko, maganda rin dahil kung naexcite siguro ako ng todo at di na ako nakatulog simula Setyembre pah, eh syempre ung mukha ko magiging eyebags nah na tinubuan ng mukha!

OCTOBER 24.. ETO NAH TOH!
Unang-una kong pasasalamatan ung phone ko na nag-alarm naman ng bongga by 7AM. I know, I know! Ang aga para sa 12nn flight ko! Pasensya nah.. fangirl eh!

Ginawa ko na lang pampalipas oras habang naghihintay na lumipad na'ko papuntang Maynila ay ang pagtetext sa mga kameet ko na mga VIPs. Aba syempre, ang pakikinig din ng Bigbang music :)

Eto ang masaklap at sa tingin ko ang pinakatanga kong nagawa sa buong biyahe ko patungong Kabayan Hotel: Mga 1:30PM akong dumating sa Maynila tapos ung mga kapwa VIPs ko nagtext na rin na either andun na sila o papunta na sila ng MOA. Eh ako naman na madaling kabahan, umeksena na ang aking adrenaline rush. Paglapag na eroplano, kumaripas na ako ng lakad papuntang labas ng NAIA. Di ko na tinuloy ang planong magshuttle bus kahit 20pesos lang ang bayad dahil alam kong matatagalan pa if ever dahil hihinto at hihinto pa yan sa kung saan2x. Kaya pinili ko na lang magtaxi. Nung nandun na ako sa linya nga mga white taxis, nakita ko karatola na sabi FIXED RATE daw. Eh kinabahan ako at feel ko lugi ako. Ewan ko kung ano nangyari dahil sa bilis eh kumaripas na ako sa yellow taxi. PUCHAPENK! pag sakay ko sinabi naman ng driver na fixed rate din sa kanya!! Di nako nakababa dahil di ko na alam naramdaman ko ng sandaling yun! Basta ang hangarin ko na lang ng oras na yun ay makapunta ng Kabayan Hotel! Pagbaba ko, nagtanong na ko kay manong drayber (in tagalog obcorz!) kung magkano rate nila.. tentenenen!!!! PHP450.00!!!! Daig ko pa naholdap!! Mabuti na lang talaga at maganda ung pakikitungo ng drayber saken sabay kwentuhan pa kung ano daw ginagawa ko dito sa Manila!! Hanggang ngayon, puno pa rin ng pagsisisi ang puso ko kung baket ko ginawa toh! Sising-sisi talaga ako!!!!!

Sa Kabayan Hotel naman, kumaripas naman ako ng check-in. Ang saya-saya lang dahil may nakita akong mga kapwa ko VIPs. Armorado lang talaga sila: banner, fans, lahat na ng merchandise nasa kanila nah. Eh ung get-up ko nga di mo aakalain na aattend ako ng concert, pangBusiness Trip lang! Pero anyways, may konteng kabwisitan naman ako sa hotel na toh kasi nagmamadali nga diba, sinabihan ba naman ako ng mag-antay ako ng 45min - 1 hour dahil lilinisin pa yung room ko! ATE, KPOP FAN AKO, MAHALAGA SAKEN ANG ORAS! TAPOS 45MINUTES PAH?!?! 1 MINUTO PARA SAKEN KATUMBAS NA YUN NG ISANG TAON! KUHA MO BA YUN?!?!?! Though di ko toh sinabi at binigyan ko lang sya ng isang mahiyaing ngiti at tango. Eh parang mabait naman sya eh! 

So ayun nah, nag-isip na ko ano gagawin ko habang naghihintay. Since di pa ako kumakain at alam ko na mahirap na maghanap ng food pag pumunta na ako ng MOA, nagpasya na akong kumain. Hirap na ako pag lumabas pa ako ng hotel kaya dun na lang ako sa cafe nila kumain. Hindi ko alam kung dahil sa excitement na wala na akong malasahan o wala lang talagang lasa ung spaghetti nila! WAHIHIHI! So ayun, after kong kumain, buti naman at tapos na rin linisin ang room ko! So akyat na ako ng 3rd floor at infairness, ung inis ko nawala na nung makita ko yung room! ONG GONDOH GONDOH!!! After ko masuri ung kabuuan ng kwarto, dinaig ko na si Flash at binilisan ko na ang pagbihis at paghanda ng mga gamit ko para sa concert!! Triniple check ko ung bag ko kung andun ba ung concert ticket ko! Aba, andun pa nga, sige nga, makapunta na ng MOA!!!!

Nung lumabas na ako ng hotel, obcorz, wala ng yellow taxi noh! NO MORE NAH! di ko na keri dahil baka 1k na ung mababayaran ko papuntang MOA! haha! So nung andun na ko, hanap lang ako ng hanap sa mga VIP friends ko! At goal ko rin ng sandaling yun ang makita ang YG booth para makabili na ako ng Bigbang crownstick! Mabuti na lang talaga at maaga akong pumunta. Parang piyesta dun sa gilid ng MOA! Ang daming booths, tapos ang daming tao na makukulay! Busog na busog talaga mata ko infairness! Tapos nagpapatugtog pa ng Bigbang music! Eh syempre kanta rin ang peg nga mga fans na akala English song lang ung kinakanta! Sapol ang lyrics! PERPEK! Nameet ko rin mga VIP friends ko at kwentuhan lang kami ng kwentuhan! Talagang instant friends kaming lahat! Parang 15 years na kaming magkakilala! AYLABYOUGAIZ!

GETTING THERE!
Pagdilim, aba, eto na, kumakabog na puso naming lahat! Ung paglinya siguro patungong loob ng MOA ang isa sa di ko rin malilimutan! Sari-sari rin ung makikita at malalanghap mo! Ung pinakanakakatawa siguro eh ung may nagkukunwaring nahimatay ng makita na ung totoong nahimatay ay binigyan ng special attention and care at pinaalis na lang sa linya! Eto pa ha, mga 40 years old ata ung nagkukunwaring nahimatay! All for the love of Bigbang nga naman! haha! To make the long nobela short, nakapasok rin naman ako at last after 2 long hours sa pila! 

Pagpasok ko sa MOA at pag-upo ko sa upuan ko, heaven lang naman ang dating! Ikaw ba naman ang nakatayo ng magdamagan, di mo kaya matitignan ang upuan mo na parang malambot na kama?!! So ayun, nashock lang ako kung gaano ako kalapit! Iba sya sa inaasahan ko kaya thanks talaga sa sarili ko para sa effort na makakuha ng magandang seat! So ayun, antay-antay lang tapos biglang in-OFF na ung ilaw! OH EM GEEEEEE, DES ES EEETTT! MAKIKITA NA NAMIN SILANG LAHAT! So ako naman, kinuha ko na BB crownstick ko at pinindot ko na ung button, wow naman, ang gondoh talaga ng crownstick! Mabuti na lang at natirhan pa ako :D

DA CONCERT!
Pagbagsak ng stage curtain, sigawan na lahat at balik na naman ako sa pagkakatayo pero hindi ko alam kung ano nangyari pero ung parang nawala ung pagod ng mga paa ko at nagawa ko pang tumalon ng tumalon sabay tili! Nasa loob sila ng capsules at una ko talagang tinitigan ay si TOP na naka-lean lang sa capsule! SSHHEETT, ANG POGI NYA! Tapos unang lumabas naman sa capsule eh si GD, infairness, ang kulet at ang liksi gumalaw! Lahat ng VIPs nagsisigawan nah at feel ko naman ung iba umiiyak pah! Ako naman, obcorz, tili, talon, tili, talon, kanta, tili, talon, kanta! Dito na part ng concert, di pa nagsisink-in lahat pero I tell you, intro pa lang, sulit na pinambayad ko! SWEAR! Iba talaga ung feeling! Parang ung tipong nakalutang ka sa ulap habang winawagayway mo ung BB crownstick!

Sa una, takot pa akong magtake ng picture with my digicam kasi nga daw, BAWAL! Pero nung nakakita ako ng isang fan na may DSLR pang dala, aba, ba't ako matatakot eh compared sa kanya, pipitsugin nga lang tong dala ko! So ayun, dun na nagsimula ang pagtake ko ng pictures. Sa sobrang tapang ko, pati flash, in-ON ko! hahahah!

Sobrang sarap talaga ng feeling ng gabing yun! Parang everything is right in front of you! Kung dati through videos ko lang sila tinitignan eh ngayon andito na sila nagpeperform sa harapan ko! May dalawang malalaking screens kung saan kita ung mukha nila ng malapitan pero hello, ba't ako titingin sa TV eh ilang years ko na silang tinitignan dyan! Dito na ko titingin dretso sa kanila! Kahit malayo, feeling ko ang lapit pa rin! WWAAAHHHH!

Nasaktan lang ako nung di talaga ako nakakuha ng mga towels, jackets at shirts na inihahagis nila sa audience! PUCHA PENK! Ang swerte ng mga nakakuha! Eto pa nakakatawa, ang tagal pinag-agawan ng fangirls ung jacket ni GD! Pagkahagis, mga 7 siguro na fangirls ang nag-aagawan. Tapos nag2nd song na lang, di pa rin natapos! Gitna ng 2nd song, mga 4 na lang ata silang natira. Siguro ung tatlo sumuko na, mukhang sa zipper lang ata sila ng jacket nakakapit! hihihi! So ayun, natapos na 2nd song, di pa rin nagkaalaman kung kanino mapupunta ang jacket! OMG! Kung sa direksyon ko inihagis un, ako siguro mag-uuwi nun! Eh di hamak naman na mas mabagsik ako kesa sa mga katabi ko! WAHAHAHAH! 

Isa sa hinanaing ko ay ung solo ni Daesung. Kasi expected na nah lalagyan sya ng pakpak tapos ililipad siya sa ere! Pero nadisappoint ako kasi walang ganun na nangyari! Di ko alam baket pero isa pa naman talaga un sa inaabangan ko sa concert. Di bale Daesung, baka next time may pakpak ka nah! :D

Ung pinakafavorite ko siguro at talaga ung tipong naka-nganga na ako ay yung sa HARU-HARU! Papasok pa lang sila ang gwapo na tignan! Lahat nakaputi na para talaga silang mga anghel! Ung puso ko ng time natoh ay nakalutang ata!

Sa encore, grabe ang mga VIPs! Kaming lahat sumisigaw na ng "WE WANT MORE, WE WANT MORE, WE WANT MORE!!!!!" Infairness talaga, kapit-bisig mga lalamunan namin at um-effort talaga kami sa pagsigaw! Obcorz bumalik ang Bigbang para magperform! Kaya nung nagperform na sila, may mga parts na nah nakatingin na lang ako sa kanila ng malalim! Di ko kasi alam kung kelan sila babalik kaya mabuti na tong busugin ko mata ko ng mga mukha at katawan nila para may pambaon ako until they come back! At aba, ang bait naman ni Lord noh at kung kelan pa ako tumitig sa kanila ng bongga, eh dun naman nagtopless si Taeyang! Eh ayun, anim na pandesal tinitigan ko! THANK YOU LORD!!!!

Nung natapos nah, di pa rin ako makapaniwala. Parang gusto ko sumigaw ng "WE WANT MORE, WE WANT MORE, WE WANT MORE!!!!" ulet para bumalik na naman sila pero wala na talaga ata kasi nakasindi na ang ilaw sa arena! Ugh, back to reality nah! T___________T

Da best talaga ung experience ko sa concert! Worth it talaga! Pati ung Php450.00 ko sa yellow taxi naging super sulet na rin! Dahil sa concert na toh, masasabi ko talaga na isa na akong ganap na FANGIRL!

Dear Bigbang, 

Maraming salamat sa napakagandang palabas dito sa Manila! Alam ko na maraming beses nyo ng ginagawa toh at alam ko rin na hindi na to espesyal sa inyo pero sa aming mga pinoy VIPs, mag-iiwan ng marka ang concert na toh at talagang hinding-hindi namin ito malilimutan! Balik kayo ha! 

XXX, 
fangirl irese!





10.08.2012

sisterly love

Since I feel rich since last Friday "The Payday", I decided to spend some bucks on some sister bonding and hair pampering.


I got my curls recurled. And for my sister, her first ever hair rebond. Outcome was great and I just lurve it!

Now, brb. I'm now hunting for a truckload of hair conditioner. HAIR MAINTENANCE is the key!